Windang na depensa ni Sara

ni Diego Morra

Kung tutuusin, hindi kailangang umabot pa sa susunod na tao ang paglilitis kay Sara Zimmerman Duterte Carpio sapagkat ang mga ebidensyang nakalap sa mga pagdinig sa komite ng katarungan sa Mababang Kapulungan ay hindi pinasinungalingan o dinurog ng kampo ni Sara. Sapagkat matagal na ng inaasam-asam ni Sara na gumanap na kalihim ng tanggulang pambansa, inangkin niya ang mga youth summits na ginugulan ng Philippine Army (PA) at mga lokal na pamahalaan. Humigit-kumulang sa P10-milyon ang pinalabas nila Sara na ginastos ng Department of Education (DepEd) sa mga nabanggit na summits at ginamit pa ang isang dating heneral upang patunayan na si Sara nga ang nag-sponsor ng summits.

Binisto ng PA at ng mga lokal na pamahalaan na walang pakialam ang DepEd at ang Office of the Vice President (OVP) sa kumperensya ng mga kabataan. Walang patunay na gumugol kahit singkong duling ang DepEd at OVP sa mga summits na nakadikit sa “counter-insurgency operations.” Ang testimonya ng mga opisyal ay malinaw: Walang pakialam si Sara sa summits. Plastado si Sara sa isyung ito, at kumbaga sa boxing ay “knockout” kaagad siya. Kung ang mga youth summits na ito ay inangkin ni Sara na kanyang pinondohan, hindi rin kataka-taka na pati ang mga proyektong pabahay sa Lungsod ng Davao ay inangkin rin ni Sara kahit na mismong ang mga taga National Housing Authority (NHA) at Socialized Housing Finance Corp. (SHFC) ang nagkumpirma na nitong 2023 lamang inumpisahan ang paggawa ng tatlong residential buildings sa Calinan, Davao City.

At dahil tila may addiction si Sara sa usaping militar, gumastos din ang OVP ng P16-milyon sa pag-upa ng 34 na safehouses mula Disyembre 21, 2022 hanggang Distembre 31, 2022. Ang bayad ay mula P250,000 hanggang P1-milyon sa bawat safehouse. Mas mataas pa ang ginastos ni Sara para sa mga safehouses na ito kung ihahambing sa daily rates ng five-star hotels sa Metro Manila. Kumpirmado ang paglustay ng salapi ng bayan batay sa testimonya ni Gloria Camora ng COA.

Subalit hindi lang pala BGC ang gastusan ni Sara noong Disyembre 2022. Lumitaw sa pagsusuri na sadyang inilaan ni Sara ang paggastos hindi lamang sa mga misteryosong impormer niya kundi pati sa mga organisasyon sa Metro Manila na kanyang magiging “mass base” para sa halalan ng 2028. Yung tinatawag ni Sara na kanyang confidential fund (CF) ay “fiction” sapagkat wala sa budget na minana niya mula kay Leni Robredo ang anumang probisyon para sa CF.

Ayon sa inilahad ng mga saksi sa impeachment trial ni Sara, nagmistulang female version siya ni Santa Claus dahil may pasinaya siya sa mga katuwang ng DepEd sa Mandaluyong noong Disyembre 13, 2022. Makalipas ang dalawang araw, bumida rin siya sa ika-60 anibersaryo ng Knights of Rizal at sa kampanya ng kabataan hinggil sa pagiging makabansa sa Baguio. Walang kapaguran itong si Sara sapagkat noong Disyembre 17, 2026, nagsagawa siya ng Christmas party sa Happyland, Tondo, Maynila at nakipagniig sa Christmas party ng Barangay 101 sa Tondo. Hinarap din niya ang maraming punong barangay ng Maynila.

Matapos ito, humangos siya sa TODA ng Batasan Hills upang “magpasalamat.” Nagkaroon din siya ng pulong sa mga TNVS drivers at operators, Angkas at mga “food delivery” workers. Dinaluhan din niya ang “pasasalamat” ng sektor ng “persons with disability (PWDs.)” Pitong okasyon maghapon ang pinuntahan at ginastusan ni Sara noong Disyembre 17, 2022. Batay sa COA Joint Circular 2015-01, ang lahat ng mga kaganapan noong Disyembre 13, 15 at 17 noong 2022 ay hindi masasakop ng CF sapagkat ang mga pagkain, regalo at iba pang tustusin ay labag sa itinatadhana ng CF na ginagamit ni Sara para mangalap ng “intelligemce information.” Ang mga party, pamimigay ng handog at kung anu-ano pa ay “disallowed” ng COA.

Mula pa noong 2024 ay walang maisagot si Sara sa mga paratang sa kanya. Naipakita rin ng COA na lihis sa regulasyon ng CF ang kanyang ginugulan. Hindi rin niya napatunayan ng tunay na mga tao ang tumanggap ng pera ng bayan, mula sa P375-milyong CF na nawala’t sukat, at ang P73.5 milyong na tuwirang nilustay at kailangang isauli. Sa kabuuan ay P448.5-milyon ang ipinababalik kay Sara buklod pa sa mahigit na P2.9-bilyong CF sa Davao City nang siya ay nanungkulan bilang alkalde kapalit ng kanyang amang si Rodrigo. Upang makaiwas sa mga katanungan sa Senado hinggil sa kanyang paglalakwatsa at paglustay, tahasang hindi dumadalo si Sara sa paglilitis. Hindi rin siya haharap at susumpa na magsasabi ng totoo.

Parang kinopya si Machiavelli— morality has no room in politics. But there is a room for liars and those who are alive but who suffer from Cotard syndrome. Still, Sara will stick to her guns and claim that she is being persecuted to prevent her from becoming president. Aside from suffering from megalomania, she believes Yahweh ordained her to be the chief executive. Shades of Jim Jones and David Koresh. Since she would not confront facts head on, the Filipino people should console themselves that one Latin American revolutionary wrote something that fits Sara to a T. The eminent Che Guevara said: “It is difficult for you to tell the truth if you profit from the lie.”#