Mon Confiado lodged cyber libel complaint against FB content creator

Character actor Mon Confiado felt his image was sullied by a content creator in Facebook that he filed a cyber libel complaint against him.

Mon posted a photo in his Facebook account which showed him inside  the cyber crime division of the National Bureau of Investigation (NBI).

Along with his post was a lengthy aria against the content creator Mr. Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto alias ILEIAD.

“Nawa’y maging aral sa iyo ito at sa ating lahat. Na ang paggamit ng pangalan at larawan ng walang pahintulot ay krimen. Na hindi lahat ng jokes ay nakakatawa at hindi lahat ng jokes ay para sa lahat. Dapat sana ang joke ay nakakapagpasaya at hindi nakakasira ng tao.

“Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD,

Ako ay isang tahimik na tao. Never na nasangkot sa kahit isa o anumang mang gulo sa buong buhay ko. Wala ako ni isang kaaway o nakaaway man lang. Ako ay tahimik na nagtratrabaho lamang bilang aktor. At bilang aktor, ang aking pangalan ay aking pinagkaka ingat-ingatan dahil ito ang aking puhunan para ako ay makakuha ng trabaho. Ngunit ako ay nagulat dahil biglang direktang ginamit mo ang aking pangalan at larawan ng walang pasintabi sa isang joke na tinatawag niyong “copypasta”,” he initially said.

The actor was worried because he has movies, endorsements and pending brand  ambassadorship.

“Ang problema… kahit ito ay isang joke o “meme” lamang, hindi pamilyar ang lahat ng tao dito at ito ay ipinost mo sa “Facebook”. At alam mo naman ang mga tao ay napakadaling maniwala sa mga ganyang posts. Siyempre ang ilan dyan ay maniniwala at ire-repost agad dahil katulad mo ay gusto lang din makakuha ng mga likes kahit may masagasaan. Ako ay may mga ginagawang pelikula, may mga endorsements at may on-going na transaction para maging “brand ambassador” ng isang produkto. Paano kung dahil sa maling pagkakaintindi sa joke mo ay maapektuhan ang aking mga trabaho? Dapat ba ay tumahimik lang ako? Dapat ba ako pa ang mag adjust at pabayaan ko na lang at huwag na ako mag react?” he said.

“Mr. Jeff Jacinto, uulitin ko, ako ay nananahimik at ginulo mo. Pero nung nag comment ako sa post mo at sa messenger mo, sinabihan mo pa ako ng “is this a threat”? Hindi mo pa din ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi. Oo. Nagpublic apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo. At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama.

“Ngayon, Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD. Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO. Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed,” he added.

The case stemmed from the content creator’s supposed encounter with Mon in a grocery in Marikina.  Jacinto claimed he witnessed Mon’s shoplifting act and how he was told by the cashier to pay for the 15 chocolate bars he got from the grocery.

“Ayoko na sana patulan itong certain Ileiad na ito… pero tama pa ba ang ginagawa ng mga content creator na ito? Gumawa ng story using my name & my photo… na meet daw nya ako sa grocery at magpapa picture daw sya pero dinuro duro ko daw sya sa mukha at nakita nya na hindi ko binayaran ang 15 Milky Way Choco Bars na kinuha ko… at pinagsisigawan ko daw ang cashier ng grocery. Pinapalabas pa nito na magnanakaw ako… nung sinita ko. Joke daw ito at ito ay “Copypasta” at biglang nilagyan ng “disclaimer” ang post nya pero huli na. Pero hindi pa din inaalis ang post nya,” Mon said in another post.

“Joke at my expense? Joke pero nakakasira ng tao? Bakit ka magjo joke sakin? Close ba tayo? Parang sobra na itong mga ito ah at para makakuha lang ng mga likes kahit makasagasa sila ng tao. Tapos sasabihin Joke. Ang daming nag message sa akin at tinatanong kung totoo ba ito? Of course, Sabi ko hindi yan totoo. Never happened. At hindi ako ganung tao. At may pagka mayabang pa itong Ileiad na ito… nung sinabi ko idedemanda ko sya dahil ayaw pa nya tanggalin ang post nya. Threat daw ba ito? Grabe itong taong ito!” he added. (NIGEL CHAVEZ DE ESTRADA)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *