Migrant worker group Migrante International lambasted the BBM administration for downplaying the escalating war in the region, after recent attacks targetting two international airports in Saudi on Sunday injured four Filipinos, two of whom were OFWs working at the airport.
“Inutil talaga ang Marcos government pagdating sa pag protekta sa ating mga OFWs. Hindi katanggap- tanggap na minamaliit ni BBM ang gera sa Gitnang Silangan. Nag pa press conference ang DMW nitong Lunes pero walang binanggit na malinaw at komprehensibong plano para organisado at mabilis na mailigtas ang mga sapilitang uuwi dahil mapanganib na o tinanggalan sila ng kabuhayan. Walang malinaw na plano para mabigyan sila ng katiyakan na trabaho sa Pilipinas” stated Josie Pingkihan, Deputy Secretary General ng Migrante International
Migrante further decried DMW Secretary Cacdac’s prounouncements that Saudi Arabia remains safe.
“Nagbubulagbulagan lang ba sa kasalukuyang kalagayan sa mundo o wala talagang pakialam ang gobyerno kung dumami ang bilang ng mga mamamatay, masusugatan at mawawalan ng kabuhayan? Sa hanay pa lang ng mga marinong Pinoy, pito na ang namatay. May banta ng pag igting ng mga atake pero business as usual pa din. Hanggang paglalabas lang ng advisory na umiwas ang mga OFWs sa mga lugar na posibleng maging target. Paano iiwas kung mga lugar ito ng kanilang trabaho?” added Pingkihan.
The Yemeni group Houthis have released a statement claiming that the missile strikes were in response to Saudi Arabia’s recent attack on Yemen’s Sana’a airport. According to Houthi Saudi Arabia and its allies have carried out military airstrikes over the last six weeks killing 91 Yemenis and wounding 168, 60% of whom were women and children. The group declared “the worst is yet to come” if Saudi Arabia continues its military actions in Yemen and issued a warning to airlines, employees, travellers and workers against using Saudi airport and airspace.
Migrante denounced the PH government’s clear negligence and lack of a decisive plan of action, stating this threatens the safety and lives of close to 3 million Filipino migrant workers working in the region.
“Malinaw na handang isugal ng gobyerno ni BBM ang buhay at kaligtasan ng ating mga migranteng manggagawa kapalit ng bilyong bilyon halaga mula sa remitans at panghuhuthot nito sa pawis at dugo nila. Hindi pagbuhos ng ayuda ang solusyon kundi pangmatagalang nakabubuhay na trabaho sa sarili nating bansa na mayroong sapat na benepisyo at proteksyon para hindi na mapilitang sumuong sa mapanganib na mga lugar sa ibayong dagat” declared Pingkihan.
Migrante also called on Filipino migrant workers globally to take a stand against imperialist wars of agression, especially those led and supported by the United States.
“Ang Estados Unidos ay isang war criminal at direktang sangkot sa umiigting na gera sa Gitnang Silangan. Nagbibigay ito ng intelligence support at nag deploy ng 200 military personnel sa Saudi Arabia para tulungan sila sa kanilang military campaign na pumapatay sa mga inosenteng sibilyan, bata at kababaihang Yemeni. Inaprubahan kamakailan lamang ng gobyerno ni Trump ang USD 2.27 Bilyon na military support package para sa bansang Egypt, Kuwait at UAE, habang patuloy itong nagbibigay ng bilyong bilyon na pondo at ibang porma ng suporta sa Israel na responsable sa henosidyo ng mamamayang Palestino.
Hinihikayat namin ang mga migranteng manggagawa na magkaisa, palakasin ang ating mga boses at makiisa sa mamamayang api ng mundo na lumalaban para wakasan ang mga imperyalistang agresyon at gera na umaatake sa ating karapatan na mabuhay ng mapayapa” said Pingkihan.#
