Youth groups pledge to isolate, boycott Senators who will vote for the passage of the Mandatory ROTC Bill

The No to Mandatory ROTC Network composed of student and youth groups, faculty, parents and fellow advocates host a press conference in response to Marcos Jr.’s marching order to the Senate to fast-track the Mandatory ROTC Bill.

Students from State Universities register opposition to the order:

“Kulang na kulang ang  pasilidad, kagamitan, building at kahit propesor. Nakikipag-unahan pa nga ang mga estudyante para sa slot ng mga nais nilang kurso sa mga state universities and colleges dahil limitado ang pwede tanggapin ng pamantasan dahil sa kakulangan sa budget. Ako mismo gusto ko maging psychologist, pero napunta ako sa isang business course. Imbes na magsayang ng pondo sa military boots at uniporme, sana napunta na lang to sa classrooms. Wala rin naman kaming espasyo na pagmamartsahan kung ipatupad ang Mandatory ROTC,” says Althea Calahatian, co-convenor of DEFEND PUP.

Students from private schools also raise concerns over its impact to basic students rights:

“Nalalagay sa panganib ang mga estudyante sa Mandatory ROTC. Hindi impossible na mangyari ito, noong 2001 pinatay si Mark Welson Chua dahil isiniwalat niya ang korapsyon ng Mandatory ROTC. Makitid na ang espasyo sa mga private school, itong Mandatory ROTC ay for sure na mas papakitidin pa ang aming espasyo at kalayaang akademiko,” says Annie Nichole Agon, Central Student Council Candidate of UST and chairperson of Kabataan Partylist UST..

Senior high school students who stand to face Mandatory ROTC in the coming years also weigh in:

“Ginawa ang K-12 para raw maging globally competitive kaming mga kabataan, ang Mandatory ROTC ba ay kakailanganin sa kolehiyo? Dagdag lamang ito sa hirap na dinaranas naming mga estudyante at mga magulang namin, both academically and financially. Ang bigat na nga ng mandatory plus two years sa high school, lalong pabigat ang mandatory ROTC pagtapak namin sa kolehiyo. Kailan naman magiging priority ang standards, interes at konsiderasyon ng mga estudyante? Hindi lab rat ang mga estudyante,” adds Gwyneth Gailo, senior high school student of Emilio Aguinaldo College

Given all concerns raised the National Union of Students of the Philippines calls for a boycott against Senators who will vote yes for the Mandatory ROTC Bill:

“Asahan po ninyo, na kukumbinsihin ng libo-libong mga konseho ng mag-aaral ang bawat botanteng kabataan na wag kayo boto, at sisiguraduhin nating di kayo makakabalik sa pwesto, sa 2025 man o sa 2028. Markado na kayo. At syempre kailanman di natin papalampasin na magpaksarap lang sa kapangyarihan si Marcos Jr. mismo na siyang nagtulak ng patakaran na to. May mananagot,” warns NUSP Secretary-General Ceejay Bebis

Groups also gear for a protest:

“Kaya inaanunsyo natin na sa November 4, sa araw ng pagbubukas muli ng sesyon ng Kongreso, magsasagawa tayo ng isang Patriotic Walk sa harap ng Senado kasama ang iba-ibang grupo ng kabataan at estudyante. Isa itong National Day of Action laban sa Mandatory ROTC! Ang ating panawagan simple lang: education budget na sapat, hindi dagdag pabigat! Isulong ang makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon!” ends Kabataan Partylist first nominee Atty. Renee Louise Co.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *