Why Bimby and Joshua hurriedly  flew back to the US

Just a few days after his arrival in Manila, Bimby, along with his elder brother  Joshua, left in a hurry and flew back to the US.

It was for a big reason as revealed by  Kris Aquino’s PR man Dindo Balares.

Kris’ message, “I have sad blood results,” was what made Bimby and Joshua fly to the US in a jiffy.

In his Facebook account, Dindo shared a few sidelights of Bimby’s visit to the country.

“Marami ang nag-expect na magtatagal sa Pilipinas si Bimby, dahil nai-announce ito ng kanyang Mama Kris sa interview sa kanila ni Ogie Diaz sa kanilang bahay sa Orange County, California.

“Bukod sa paghahanda para sa papasukang school, may mga sinisimulan na rin kasing negotiations para sa career ni Bimb sa entertainment industry.

Kaya maraming followers nila ang curious at nagtatanong kung bakit mabilisan lang ang pagdating at pananatili sa bansa at pagbabalik sa US ni Bimb with Kuya Josh.

“Masaya si Bimb sa Pilipinas, kitang-kita ito sa posts ng iba’t ibang relatives and friends na personal niyang dinalaw para kumustahin,” he said.

Dindo revealed that this early, Bimby is planning his career in showbiz.

“Katunayan, nang magkita kami, excited siyang nagtanong kung sino ang mga kaedad na posible niyang makasama o makatrabaho sa show business.

“Noon niya naitanong ang isang young actress, na masyadong delayed ang reaction ko! After two days! Hahahaha! ‘Di ko man lang tuloy nabiro kung type, bet o crush ba niya. Super pretty naman kasi!

“Tama ang iniisip ni Kris para kay Bimb, na maranasan din ang regular school at ang mas malawak pang mundo,” he shared.

But there was a little problem, though as “may message sa akin si Kris na sure akong naging cue ng mabilisang pagbabalik sa US ni Bimb.”

Kris messaged Dindo this: “I have sad blood results.”

“Masaya si Bimb sa Pilipinas. Nakakasama niya ang relatives and friends. Puwede nang umpisahan ang kanyang showbiz career.

“Pero inaalagaan at pinalalaki ni Krisy si Bimb first, upang maging guardian ni Kuya Josh; at pangalawa, upang maging maalaga, maalalahanin, at loving sa lahat.

“Pero, makakapaghintay ang anumang plano. Dahil, siyempre, si Mama Kris ang kanyang laging priority.

“Kaya niyaya si Kuya Josh, at agaran na silang lumipad,” Dindo related. (NIGEL CHAVEZ DE ESTRADA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *