by Renato Reyes Jr.
Sa panibagong pagtaas ng presyo ng langis, marapat na tanggalin ang pabigat na value- added tax (VAT) sa oil products.
Ang VAT na pinipiga sa mga konsyumer ay nauuwi din lang sa korapsyon.
Dalawang beses tayong ninakawan ng gobyerno.
Nasa ilang daang bilyon ang kita ng gobyerno sa mga buwis (excise, VAT) sa langis, maaaring umabot ito sa P300 bilyon, ayon sa Department of Energy (DoE).
Ang VAT sa langis ay maaring umabot sa P125 bilyon habang P165 bilyon naman ang excise tax sa langis na nakokolekta sa isang taon, ayon sa Department of Finance (DoF).
Pero ang taumbayan, hindi ramdam ang halagang ito dahil ninanakaw lang ito ng mga nasa pwesto.
Ang VAT na kinolekta, sa bulsa ng pulitiko napupunta.
Dayuhang imposisyon din itong VAT sa langis para patuloy tayong makabayad ng utang panlabas at makautang muli.
Tama na ang pangungulimVAT ng pera ng taumbayan!
Tanggalin na ang VAT sa langis!
Wakasan ang pagnanakaw sa buwis ng taumbayan!
Kalampagin ang rehimeng Marcos!
