A security personnel, Earl Nerona Pressman denied that he disrespected Marian Rivera.
His denial came via a Facebook post where he explained everything in detail.
Videos of his alleged act of disrespect against Marian went viral even though it happened six months ago during the FAMAS awards night where Marian was in attendance.
“Sana maisip ng mga taong nakikisakay lang sa isyu ang mga nangyari. Actually hindi naman na issue Ito talagang kumalat lang ang video dahil sa taong one sided ang utak. Kung malawak lang sana ang pagkakakuha ng video ay makikita ninyo ang totoong sitwasyon. Siksikan talaga ang mga tao at lahat ay halos gusto malalapit kay Marian, sana nakunan din ng video yun. Paano na lang kaya kung wala ako sa designation ko edi mas nabastos si Marian at hindi na mapipigilan ang mga taong halos lumapit sa kanya,” he initially said.
Then he explained what happened.
“Bumulong ang kasama ko at nagtanong about sa crowd control at sa buong makakaya ko nilapit ko ang tenga at sana man lang kung may audio na malinaw ang video ay nag excuse talaga ako kaya nga nilapit ko ang tenga ko sa kasamahan ko dahil mahihirapan ka sumenyas, mahihirapan ka igalaw ang katawan mo dahil sa dami ng tao sa paligid mo na sana ay nakunan din ng video. May isang crowd na nagpupumilit na makalapit kay Marian at nakikipagtalo sa amin kung makikita ninyo sa video na sinabihan na “Kuya kanina ka pa”. I swear hindi ako iyon, sinundan niya ng tingin iyon at nagkataon na sa akin ng tingin dahil nga kami ng mga kasamahan ko ang nagsesecure ng kanyang safety,” he said.
To show proof that all is well between him and Marian, he posted a photo with her.
“Ito ang litrato na nagpapatunay na ayos kami ni Marian. Kuha ito sa holding area kung saan namin sila pinagpahinga after ng kaganapan na kung saan nakunan ang video. Nag-usap pa nga kami saglit about sa crowd control at walang isyu na nangyari. Pinalaki lang ng mga taong walang ibang hangarin kundi manira ng kapwa tao at pagkakakitaan ang paninira sa ibang tao. Kaya sana makonsensya kayo sa mga ginagawa ninyo. Huwag kayo maging one sided kung hindi naman ninyo alam ang kabuuan ng story. Nakakabulahaw kayo ng taong tahimik na nagtatrabaho at kumakayod sa araw-araw. 6 na buwan na po nakalipas noong mangyari ang event na yan at tinanggal na po ang mga videos na yan ngunit may ilan pa rin mga walang puso ang nagpapakalat ng ganitong video na nakakasira ng aking imahe.
Sana patulugin po kayo ng inyong konsensya sa mga ginagawa ninyong ito. Salamat po,” he explained. (NIGEL CHAVEZ DE ESTRADA)