Sam Verzosa readily accepted defeat to Isko Moreno

Manila mayoral candidate and businessman Sam Verzosa immediately concedes to his defeat to Isko Moreno.

In a Facebook post hours after the voting, Sam was man enough to admit he lost in his first mayoralty bid to Isko.

“Mahal kong Manilenyo,

“Magandang gabi po sa inyo..

“Ngayong gabi, buong puso kong tinatanggap ang desisyon ng taumbayan. Bagamat hindi nangyari ang hinahangad nating resulta, ako po ay taus-pusong nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo na naniwala, sumuporta, at lumaban para sa Pagbabago,” he wrote.

Sam noted that this was his biggest “battle.”

“Hindi po biro ang laban na ating hinarap. Bilang isang baguhan sa pulitika ng Maynila, alam kong ito ay magiging isang matinding hamon. Ngunit sa bawat kaway, yakap, halik at tapik ninyo sa balikat ko sa kalsada, naramdaman ko ang Pagmamahal nyo at tunay na diwa ng serbisyo at malasakit,” he said.

Even though he lost in his first bid to become mayor of Manila, Sam still expressed his gratefulness to those who help him in his political journey.

“Sa lahat ng volunteers, staff, sa bawat kabataan, nanay, tatay, at Lolo at Lola ko na tumindig para sa pagbabago—maraming salamat po. Ang ating kampanya ay hindi lang tungkol sa pagkapanalo, kundi sa pagbibigay ng tinig sa mga matagal nang hindi naririnig.”

With this, he congratulated the winner in this year’s mid-term election.

“Nais ko pong batiin ang nanalong kandidato. Hiling ko na ang kanyang tagumpay ay tagumpay rin ng buong lungsod. Manila deserves nothing less than honest, transparent, and compassionate leadership.”

But he feels that this is not the end of his advocacy.

“Hindi po rito nagtatapos ang ating adbokasiya. Ang pangarap natin para sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan, edukasyon, kabuhayan, at isang gobyernong bukas at tapat ay mananatili sa puso ko. Magpapatuloy po ako sa pagseserbisyo sa ating bayan sa abot ng aking makakaya, sa aking mga proyekto, at sa araw-araw na buhay.

“Lahat po ito ay parte ng proseso, Ito ay simula ng isang mas malawak na pakikibaka para sa mas makatarungan at makataong Maynila.

“Muli, mula po sa aking puso.. Maraming Salamat, Maynila.

“Mahal ko po kayo.

“Mabuhay ang ating lungsod. Mabuhay ang sambayanang Pilipino,” he finally wrote. (NIGEL CHAVEZ DE ESTRADA)

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *