ni Renato Reyes Jr. | President, Bagong Alyansang Makabayan
Ang special provision sa General Appropriations Act (GAA) na ibinasura ng Supreme Court (SC), na naging batayan ng pagkuha ng PhilHealth funds para gamitin sa unprogrammed appropriations (kasama na flood control), ay bahagi ng 2024 budget.
Ito ay resulta ng bicameral conference committee na naganap noong 2023.
Ang Department of Finance (DoF) circular na nagpahintulot ng fund transfer ay noong 2024 pa inilabas, hindi 2025.
Ang may tuwirang pananagutan sa special provision na ito ay ang bicameral conference committee noong 2023, ang mga bumoto sa bicam report, bumoto sa budget, ang pangulo na pumirma sa national budget, at ang DoF na nagpatupad ng special provision.
Kaugnay ng bicam report ng 2023, narito ang mga pumirma mula sa House at Senate panels. Sa ratification ng bicam report noong December 11, 2023, tanging ang 3 kinatawan ng Makabayan ang bumoto ng NO sa House, at tanging si Sen. Koko Pimental ang bumoto ng NO sa Senate.
HOR vote: 296 – 3 – 0.
Senate vote: 21– 0 – 1
