đź“· Dindo Balares with Kris Aquino (File photo | FB)
A close friend of the former Queen of Talk, Dindo Balares, gave an update on Kris Aquino in his Facebook post.
“Para po ito sa mga naghihintay ng updates tungkol kay Kris Aquino.
“Latest ito, kagabi lang, kaya mainit-init pa. Marami kaming topics, pero ang bandang ito lang muna ang ikukuwento ko.
“Kuya Dindo, how far is the mountain?”
“Ang itinatanong niya ay ang taniman namin sa upland Bicol. Sinagot ko siya, na mula sa Naga City, 35 kilometers away.
“Malayo to climb??? Can you please test for me?” Dindo wrote.
Dindo explained what Kris planned to do.
“Ibig niyang sabihin, kung kakayanin niyang lakarin ang papuntang taniman mula sa hinihintuan ng sasakyan sa kalsada.
“Parang I want to go to Bicol,” Dindo quoted Kris as saying.
Dindo refrained from saying more.
“Wala muna akong direktang kuwento tungkol sa health status ni Krisy, pero siyempre pang mailalarawan sa usapan naming ito na gusto na niyang subukan ang lakas ng kanyang pangangatawan at pumunta sa nature.
“Matagal na niyang pinapangarap ang forest bathing, maging noong hindi pa lumulubha ang kanyang autoimmune illnesses. Katunayan, bumili pa siya noon ng book tungkol dito,” he said.
“Naiintriga siguro siya sa pag-eermitanyo at pangyayakap ko sa mga puno, at gusto rin niyang makita ang sinimulan kong natural farm.
“In-encourage niya akong ituloy ito, para may mapagkukunan ng whole foods o mga pagkain na walang traces ng chemicals ang mga kagaya niyang nagbabawi ng kalusugan,” he further said.
In the end, he thanked those praying for Kris.
“Walang hanggang pasasalamat po, LAGI AT LAGI, sa mga gumagamot, at sa mga naghahangad at nagdarasal sa tuluyang paggaling ni Kris.
‘Pag natuloy ang pagdalaw niya sa akin sa taniman, ipo-post ko kaagad.” (NIGEL CHAVEZ DE ESTRADA)