Ken Chan breaks silence on syndicated estafa case

Kapuso actor Ken Chan addressed his situation on Facebook, clarifying his status as a ‘fugitive’ in relation to a syndicated estafa case.

Initially, Ken was served a warrant of arrest in September and last November 8 police also served a warrant for his arrest. Unfortunately, he was not in his house when the arrest order was served.

In his Facebook account, Ken explained his side.

“Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.

“Personal kong babasagin ang aking katahimikan sa kumakalat na version ng kaso na isinampa laban sa akin dahil sa pagkalugi ng itinayo naming negosyo na Café Claus na nagkaroon ng tatlong branches at nagsara. Hindi po ako nanloko ng tao, naitayo po ang negosyo ngunit hindi ito nagtagumpay,” he said.

He belied reports that he owe his accusers P14 million.

“Hindi po dahil ito ang amount na isinampa laban sa akin ay ito na ang buong katotohanan. Sasabihin ko po nang buong-buo ang actual na numero at detalye na masyado nang naging exaggerated dahil sariling panig pa lamang ng complainant ang inilabas nila.

“May mga bagay kami na kailangang ipaglaban lalo na kung bakit naisampa ito bilang syndicated estafa, na kung tutuusin ay dapat umiikot lamang sa pagkalugi ng negosyo,” he added.

“Ako naman po ang maglalabas ng mga detalye sa mga darating na pagkakataon dahil patuloy po ang pagdikdik sa akin ng mga taong gustong sirain ang pagkatao ko. Sa mga hakbang na ginawa nila mula pa noong nakaraang taon hanggang ngayon, makikita ninyo ang intensyon ng mga taong gusto akong pabagsakin.

“Kaunting panahon po at ilalabas ko lahat ang katotohanan kung bakit nangyari ito sa kumpanya. Hindi po ako nanghingi lang ng pera at nanloko tulad ng akusasyon sa akin. Nalugi po ang Café Claus at isa sa malaking dahilan na rin ay dahil sa ilang business partners namin na nagplano para pabagsakin ang kumpanya at patuloy na sirain ang aking pangalan,” he revealed.

“Pinili ko pong manahimik pansamantala dahil sa una pa lamang po ay inilalaban ko na ito legally, kasama ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin sa sitwasyon kong ito. Naniniwala ako na sa awa ng Panginoon ay mairaraos ko po ito.

“Lumalaban po ako at hindi tumatakbo palayo sa isinampang kaso sa akin. Mahigit isang dekada kong pinaghirapan ang aking career at hindi dahil sa akusasyon ng iilan ang magtatapos ng napakagandang future na inilaan para sa akin ng Panginoon,” he further said.

In the end, he apologized to the companies and brands associated with him.

“Sa mga Companies at Brands na associated sa akin na naapektuhan sa sitwasyon na ito, paumanhin po sa inyong lahat. Babawi po ako sa inyo. Sa kabila ng lahat gusto kong magpasalamat sa pagsuporta at pag-unawa ninyo sa akin. Ramdam ko po ang pagmamahal ninyo.

‘At sa mga taong patuloy na nagmamahal at naniniwala sa akin, lalaban po ako. Patuloy po ninyo akong isama sa mga panalangin ninyo,” he said. (NIGEL CHAVEZ DE ESTRADA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *