Kabataan Partylist opposes Sen. Aquino’s promotion of opt-out rule under Free Ed Law

📷: Kabataan Partylist | FB

 

Kabataan Partylist disagrees with the proposal made by Sen. Aquino to promote the voluntary opt-out policy under R.A. No. 10931 to supplement SUC funds by encouraging well-off students to pay tuition.

“Habulin natin ang mga nagnanakaw ng pondo ng bayan, hindi ang mga estudyante. Wala sa hulog ang pagmungkahi na pagbayarin kahit pa ang mga estudyanteng may kaya habang bilyon-bilyon ang nakokorap at napupunta sa bayad-utang, militarisasyon at iba pang mapanghamak na programa tulad ng NTF-ELCAC,” said Kabataan Partylist Rep. Atty. Renee Co.

“Hindi dapat namimili ang gobyerno ng bibigyan ng serbisyo. Hindi dapat ipasa ng gobyerno ang responsibilidad niyang tiyakin ang edukasyon sa mga pamilya ng mga estudyante. At hindi rin dapat patunayan pa ng mga estudyante na mas mahirap sila kumpara sa iba para makatamasa ng libreng edukasyon,” continued Co.

Even without corruption issues, Kabataan believes that there is more than enough funds for free, accessible and quality education if government prioritizes it.

“Hindi totoo na walang pera. Patunay ang tagumpay natin noong nakaraang linggo noong iginiit sa Kongreso na punan na ang tumatakbong backlog ng gobyerno sa pagpondo ng free higher education program ng SUCs sa nakaraang tatlong taon, na kaya naman pala,” pointed out Co.

“Simula’t sapul palang tinutulan na ng Kabataan ang pagsingit ng opt-out rule sa batas dahil tingin natin nagbibigay daan pa rin ito ng paniningil ng matrikula. Pwede gawing katwiran ang rule na ito para lalong pabayaan ang mga SUC at kaltasan ang kanilang pondo. Bulnerable ito sa abuso,” warned Co.

“Nito lang may mga ulat din kaming natatanggap na may mga SUC na napipilitang higpitan ang admissions dahil sa kakulangan ng pondo at ginagawang kondisyon ang sapilitang pag-opt out sa free tuition o pagpabayad sa estudyante para tanggapin sila. Nakukumpirma na ang pangamba natin noong 2016 pa,” remarked Co.

Kabataan received such reports from students of Tarlac State University. Meanwhile other SUCs continue to impose other school fees for various deficiencies.

“Marami pa ring sinisingil sa mga iskolar ng bayan mula sa gastos sa laboratory, dorms, pagkain, at iba pang pasilidad at serbisyo, dahil sa underfunding at tulak ng gobyerno na kumayod ng sariling kita ang mga pamantasan. Hindi pa totoong libre ang edukasyon, pero ngayon balak pang gawing normal ang paniningil para punan ang pagkukulang ng gobyerno? Hindi tayo papayag dito,” asserted Co.

“Naninindigan tayo na ang edukasyon ay karapatan, hindi pribiliheyo, anuman ang katayuan mo sa buhay. Panawagan natin ang mas mataas at sapat na pondo sa edukasyon, pagpasa sa DASURV Bill na magtitiyak ng abot-kayang dorm, pagkain at pasilidad sa mga campus para pagaanin ang bayarin ng mga estudyante. Dapat ring tanggalin na lahat ng bayarin at isulong ang tunay na libreng edukasyon,” ended Co.#

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *