📷: Courtesy of Bayan Muna Partylist
Satur Ocampo, BAYAN MUNA President Emeritus and Koalisyong Makabayan Chairperson, paid tribute to National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor as he visited her burial at Heritage Park in Taguig City.
In a short message, Ka Satur called Nora “Actress for the people” and “Aktres na nagbubunyag ng katotohanan sa lipunan.”
“Dumalaw tayo kay Nora Aunor para magpugay sa kanya bilang isang batikang aktres sa pelikula at maging sa entablado,” Ka Satur wrote.
Ka Satur raved about Nora’s greatness as an actress, giving larger-than-life portrayals of women caught in an intricate web of challenges.
“May nabasa akong sinulat tungkol kay Nora na kakaiba daw ang paggampan niya sa entablado. Kahit maliit sa stature oras na tumayo sa stage napakalaking imahe ang naisasabuhay niya. Nakahiligan ni Nora ang paggampan ng mga karakter sa pelikula man o sa dula lalo na ang karakter ng isang babae na nagpupunyagi galing sa kahirapan para makita ang kanyang lugar sa daigdig,” he noted.
“Ang mga pelikula ni Nora ay titindig noon man hanggang sa kasalukuyan. Tulad ng Minsa’y Isang Gamu-Gamo kung saan napakita niya ang karanasan ng pagtanggol sa isang kapatid na pinatay dahil nilalabanan ang panghimasok ng US sa ating bansa.
“Kaya lubhang makabuluhan ang mga papel na ginampanan niya sa pelikula man hanggang sa kalsada. Ang paglantad at pagkontra sa mga base ng US sa ating bansa, paglaban sa korapsyon, sadyang nagsanib ang kanyang pagiging aktres at pagiging likas sa puso na tumindig kontra sa kasamaan,” he noted.
For him, Nora deserves to be buried at Libingan ng mga bayani, noting that the thousands who flock to her wake was indicative of how well-loved she is as an actress, as a mother and as a person who greatly contributed to the advancement of her craft.
“Nararapat lang na mailibing siya sa Libingan ng mga Bayani. Patunay ang napakaraming tao na dumadalaw sa kanya ngayon at pinagpupunyagi ang kanyang pagkatao,” he said.
In the end, Ka Satur showed his immense sympathy to Nora’s family.
“Pakikiramay hindi lamang sa pamilya kundi sa sambayanang nagluluksa sa kanyang pagpanaw. Walang pasubali ang ating paghanga sa kanyang naging papel sa paglilinaw ng mga problema sa lipunan at ang kanyang pagiging kaisa ng ordinaryong mamamayan,” he finally wrote. (NIGEL CHAVEZ DE ESTRADA)