Fifth Solomon recalls abuse by executive producer

Actor-director  Fifth Solomon reminisced his past encounter with an executive producer who tried in vain to out him as gay.

Fifth’s revelation came via a series of tweets, revealing he was still a minor then.

“Ang daming pangaabuso sa showbiz world ah. Naalala ko lang nung 17yrs old pa ako. Sumali ako sa isang reality show. Di pa ako out bilang gay guy. Takot pa sa mundong mapanghusga. Yung Baklang Executive producer don sa show na power trip, pinilit ako paamin na bakla sa harap ng Ng maraming contestants/Cast ng show,” he recalled.

He was so embarrassed as in  “sobrang hiyang-hiya ako nun. Nanliit.”

“Minor de edad ako at walang magulang na mapagsusumbungan. May kirot yon hanggang ngayon. Kapwa bakla mo pinipilit ka paamin sa harap ng marami. Sabi pa niya Bakla ka. Umamin ka na. Alam ko bakla ka. Bakit ayaw mo pa umamin. Nakakaloka. Tapos bago ako matanggal sa show, sabi tinanong ako uli on cam if bakla ako hahahaha! Nakakaloka. Talent show pinasukan ko pero gustong-gusto nila alamin kung anong ginagawa ko sa ti.. ko,” he said.

He admitted being traumatized by the experience.

“Di ako umamin. Takot pa ako non eh. Trauma kaya hanggang ngayon naalala  ko pa din un kasi sabi nga nila, di mo malilimutan ung mga pangyayare, salita na may lubos na pinaramdam sayo sa pagkatao mo,” he said.

Fifth finally mustered enough guts to admit his sexuality when he joined Pinoy Big Brother.

“Hanggang ayun, nung sumali ako PBB, napagod na ako sa mga tanong at pagpipilit ng mga tao kung bakla ba ako. Kaya inamin ko na kay Big Brother. Sabi ko nun “di pa nga ako umaamin hinuhusgahan na ako. Wala ring pagkakaiba sa takot kong mahusgahan lung magpakatotoo ako.),” he said.

He is grateful to PBB “forgiving a platform saakin at sa paghandle ng gender issue ko ng panahon na yon.”

“Ang laking tinik ang nabunot saakin. Kaya ngayon bad bitch na ako eh. Hehe! Kaya never out some. Never force them. Wala kang karapatan mag desisyon sa kasarian ng isang tao…Wag nating sabihin na “magpakatotoo ka nalang kasi” dahil hindi naman madaling magpakatotoo sa mundong ayaw ang totoo. Truuueee?” he said. (NIGEL CHAVEZ DE ESTRADA)

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *