STATEMENT : Kabataan: Under Trump, US may defend rights violators, worsen threat of unnecessary wars involving PH

đź“· Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel

 

Given the crude remarks of Sen. Bato dela Rosa on being able to fly to the U.S. again after Trump’s projected win, Kabataan Partylist fears that this may open the door to the worst potential collaboration between top United States officials and Filipino human rights violators at large in the country.

“Colonial and mercenary mentality much? Nakakahiya ang desperasyon na pinapakita ni Sen. Bato sa pag-awit niya kay Uncle Sam para makatakas sa pananagutan niya sa mga biktima ng EJK. Balak ibalik ang mandatory ROTC para isulong ang nasyonalismo diumano, pero siya rin ang kumakapit sa kapangyarihan ng dayuhang kumpare na si Trump. Di dapat gumaya ang mga kabataan sa pagkatuta niya,” says Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel.

“Nangangamba tayo na sa ilalim ni Trump at Marcos Jr. na parehong walang pagpapahalaga sa karapatang pantao, makakatakas ang mga lumabag sa karapatang pantao tulad ni Bato, Duterte at Quiboloy basta kapaki-pakinabang ito sa strategic interest ng U.S. sa Pilipinas at sa rehiyong Asya-Pasipiko. Criminals can work together to protect each other, lalo na at naglunsad din ng sariling war on drugs at war on terror si Trump,” adds Manuel.

“Titindi rin ang trade wars, military exercises at arms stockpiling ng U.S. gamit ang mga base militar sa Pilipinas sa ilalim ng China containment policy ni Trump. Mukhang suportado ito ni Marcos Jr. sa ngalan ng di-pantay na alyansa na inaalagaan niya para makakubra pa ng investment at pautang na makukurakot. Kakaladkarin nito ang kabataang Pilipino lalo sa panganib ng digma. Kaya napapanahon na ipaglaban ang independent foreign policy para sa kinabukasan ng ating bayan,” ends Manuel. #

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *